

PUSO O UTAK?
May isang desisyon na minsan, kahit anong tagal mong pag-isipan, parang wala talagang tamang sagot.
Kapag puso ang sinunod mo, baka masaktan ka.
Kapag utak naman ang pinakinggan mo, baka habang buhay mong tanungin ang sarili mo kung ano kaya ang nangyari kung pinili mong sundin ang gusto ng puso mo.
Kaya alin ba talaga ang dapat sundin?
Siguro hindi naman talaga problema kung puso o utak ang pipiliin mo.
Ang mas mahalagang tanong ay:
“Kapag pinili ko ba ito, kaya kong panindigan ang magiging kapalit?”
Dahil ang puso, marunong mangarap.
Ang utak, marunong mag-ingat.
Pero ang buhay… hindi naman nagbibigay ng garantiya kung tama o mali ang pinili natin.
Minsan, kailangan nating sundin ang puso para malaman kung hanggang saan tayo kayang dalhin ng pangarap.
At minsan naman, kailangan nating sundin ang utak para iligtas ang sarili natin sa desisyong alam nating pagsisisihan natin.
Sa huli, baka hindi talaga tungkol sa puso o utak.
Baka ang tunay na kailangan natin ay tapang na pumili, at karunungang tanggapin ang kapalit ng pinili natin.
Dahil hindi lahat ng tamang desisyon ay masaya.
At hindi lahat ng masakit na desisyon ay mali.
GOODLUCK SATIN TEAM2 
@habibi13 @supergirl


TEAM 2 
GirlPowers 


Ang pangit naman nilang kakampi, nan rereport 
na bz lang nman kaya na afk eh
ILAN TULOG NA LANG BEERMONTHS NA


Goods na cguro ito sa bagohan 
